Advertisers
Camp Olivas, San Fernando, Pampanga – Inaresto ang isang Indian national na sangkot sa pagnanakaw ng dump truck sa Camiling, Tarlac.
Sa report sa Police Regional Office 3, nagsagawa ng follow-up operation ang Camiling Police nang matanggap ang ulat tungkol sa nawawalang Isuzu dump truck noong Mayo 16.
Ang may-ari ng nasabing dump truck ay kinilalang si Elpidio Dela Cruz, at nabanggit na ang kaniyang truck ay nakaparada sa kaniyang bahay sa Brgy. Palumbo Caarosipan.
Ngunit sa follow up operation ng PNP, natagpuan ang dump truck sa Brgy. Tambungan sa ilalim umano ng pagmamay-ari ni Ropinder Singh (Indian name) alyas Jaani Singh (Philippine name), 27, at nakatira sa Kawili Oligario, Mangatarem, Pangasinan.
Inaresto ang Indian habang dinala sa Camiling Police ang ninakaw na sasakyan para sa “proper disposition.”