Advertisers
PAGKATAPOS na matubos ang gintong medalya sa Southeast Asian Games, ang Gilas Pilipinas ay nakapokus ang kanilang atensyon upang paghandaan ang parating na FIBA World Cup, kung saan ang Pilipinas ang co-host simula ngayong Agusto.
Sinabi ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) deputy director Butch Aquino na ang Philippine men’s basketball training camp sa Lithuania ay tiyak na at ang detalye ay tatalakayin ni national coach Chot Reyes sa susunod na araw.
“That’s where we are headed, in Lithuania, maybe last week of June but we will still sit down and discuss things with coach Chot,” Wika ni Panlilio Huwebes.
Ang Gilas ay kagagaling lang sa matagumpay na gold medal victory laban sa host Cambodia,80-69, Martes kung saan pinamunuan ni naturalized player Justin Brownlee ang pangkat.
Ang players ay kasalukuyang nagpapahinga hanggang sa katapusan ng buwan bago muling mag regroup sa Hunyo 1 para simulan ang training para sa FIBA World Cup sa Meralco gym.
Sinabi ni Antonio na sinusubukan ng SBP na ayusin ang scrimmage games sa ilang European teams sa Lithuania.
Sinabi rin ni Antonio na ang NBA Sixth Man of the Year Jordan Clarkson ay sasama sa Gilas Pilipinas sa Lithuania.
Ang Pilipinas ay na grupo sa world No.10 Italy,Dominican Republic at Angola sa Group A sa FIBA World Cup.