Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HINDI pabor si Manilyn Reynes sa naging pahayag ni Liza Soberano sa isang interbyu na sinabi niya na, “In the Philippines, the only way to become a big star really, if you’re not a singer, you’re an actor, is to be in a love team.”
Para kay Manilyn, magagawa ng isang artista na sumikat nang walang loveteam partner.
“Disagree!” sabi ni Manilyn nang tanungin siya ni Boy Abunda sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules ng hapon tungkol sa kontrobersiyal na deklarasyon ni Liza.
Patuloy ni Manilyn,“Certainly, kaya mong gawin yan on your own. You always go back to ano yung talent na ibinigay sa yo.
“Hindi ko sinasabi na hindi mo kailangan ng ka-love team. Somewhere, sometimes, somehow, kailangan meron ka rin ka-love team, lalo na kapag growing up, mga teeny, teenager ka.
“Pero of course you can do it on your own. Ipakita mo what you’ve got.
“Huwag half-baked. Kasi sa totoo lang, ang hirap ng half-baked ang ginawa mo.”
Alam ni Manilyn ang kanyang sinasabi, dahil naranasan niya noon na magkaroon ng ka-loveteam. Naging ka-loveteam niya sina Janno Gibbs at at Keempee de Leon.
Sikat na sikat ang loveteam nila noong 80’s pero hanggang ngayon, dahil sa kanyang talent, na wala nang ka-loveteam ay nananatili pa rin sa showbiz si Manilyn.
So, talent pa rin talaga, at pagiging professional ang dapat na nasa isang artista para sumikat at magtagal sa showbiz.
***
KIM BILIB SA DYOWANG SI XIAN SA PAG-HOST NG MS. U-PHILS PAGEANT
MARAMI ang pumuri kay Xian Lim, isa na kami roon, sa hosting job niya sa Miss Universe Philippines 2023, na ginanap noong Sabado ng gabi sa SM MOA Arena, na si Michelle Dee ang nakakuha ng titulo.
Kasama ni Xian na nag-host sina Alden Richards at Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi.
Pinuri ng netizens si Xian, kung paano niya na-handle ang ilang technical issues sa nasabing beauty pageant.
Nakikita namang maingat si Xian sa pagbabasa ng winners. Sinisilip muna niya ang resulta bago niya ito i-announce. Gusto niyang tiyaking tama ang binabasa niya.
Proud siyempre ang nobya niyang si Kim Chiu na nag-post sa social media.
Nasa IG story na nanonood si Kim sa TV at nag-comment siyang, “Galing mo naman Xi.”
Nag-tweet pa si Kim ng kuha ni Xian sa Miss Universe at nasa caption nito, “Ang guwapo naman ng Xian Lim!!!”
O, di ba, proud girlfriend si Kim?