Advertisers

Advertisers

Misis at kabit huli ni mister nagtatalik

0 317

Advertisers

HIMAS-rehas ang isang misis at kalaguyo nito nang maaktuhan ni mister na gumagawa ng kalaswaan sa bahay ng lalaki sa Barangay Malainen Luma, Naic, Cavite.

Kapwa nahaharap sa mga kasong adultery magkabit na sina Jovell Decimal, 27 anyos, ng Glori Mor, Brgy. Malainen Luma, Naic; at kalaguyo nitong si Rowell Baquiano, 38, may-asawa, ng nasabi ring lugar.

Sa pahayag ni Esber Decimal, 37, matagal na siyang may kutob na may ibang ginagawa ang kaniyang misis, subali’t binabalewala lamang niya ito hanggang sa makatanggap siya ng ilang balita na may ibang lalaki ang kaniyang asawa.



Palihim niyang sinubaybayan ang pag-alis-alis ng kaniyang misis hanggang sa matiyempuhan 12:30 ng madaling araw sa bahay ng kalaguyong si Baquiano.

Agad na nagtungo sa pulisya ang mister at nagpasama upang ipahuli ang misis at kalaguyo nito sa akto.