Advertisers
NASAWI ang truck driver at sugatan ang helper nito, at hindi bababa sa 30 bagong mga motorsiklong Honda na karga nito ang nawasak nang bumulusok ang kanilang truck sa gilid ng highway sa Barangay Lumbog, Imelda, Zamboanga Sibugay.
Naganap ang aksidente nitong Martes, May 16, kungsaan nasawi ng 54 anyos na truck driver na si Feliciano Saner; at pagkakasugat sa iba’t ibang parte ng katawan ng truck helper na si Ariel Tidalgo, 24.
Sa ulat, nawalan ng control si Saner sa pagmamaneho ng kanyang flatbed truck, may kargang mahigit 30 motorsiklo, dahil sa aberya, kaya ito nagawi sa gilid ng highway sa Barangay Lumbog at gumulong-gulong na pababa sa bangin.
Mula sa Cabuyao, Laguna at patungo sina Saner at Tidalgo sa Zamboanga City para ihatid ang mga bagong-bago na mga motorsiklong karga ng dalang truck.