Advertisers

Advertisers

4 NPA patay sa engkwentro

0 121

Advertisers

NASAWI ang apat na miyembro ng New People Army (NPA) habang isa ang nadakip at 1 ang sumuko sa patuloy na pagtugis ng militar sa mga tumatakas na rebelde sa Negros Oriental, Linggo ng tanghali.

Ang apat na nasawing rebelde ay mula sa Central Negros 1 (CN1) Front Communist NPA.

Ayon kay Lt. Colonel Israel Galorio, spokesperson ng Visayas Command, ang engkwentro ay naganap sa pagitan ng mga elemento ng 62nd Infantry Battalion at mga rebelde sa Sitio Cambawgon, Brgy Trinidad, Guihulngan City.



Ang engkwentro ay naganap nang masabat ng mga sundalo ang tumatakas na mga rebelde na tumagal ng ilang minuto.

Narekober ng mga sundalo ang labi ng 4 nasawing rebelde, 1 ang nadakip habang 1 ang sumuko.

Nasamsam rin ng mga sundalo ang 7 iba’t ibang uri ng mga baril, mga personal na kagamitan at mga subersibong dokumento.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasawing rebelde, habang ang isang nadakip at sumuko aay sumasailalim sa imbestigasyon ng mga otoridad. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">