Advertisers

Advertisers

Dagdag allowance ng titser, lusot na!

0 138

Advertisers

Pasado na sa ikatlong pagbasa ang Senate Bill No. 1964 o ‘Kabalikat ng Pagtuturo Act’ na iniakda at ini-sponsor mismo ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. na naglalayong dagdagan ang allowance ng mga public school teacher.



Pinaboran ng lahat ng senador ang panukala na mas kilala sa tawag na ‘chalk allowance’ na ilang hakbang na lamang ay inaasahang magiging isang ganap na batas na.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1964, ang teaching allowance ay unti-unting tataas mula sa kasalukuyang P5,000 na maging P7,500 para sa school year 2023-2024 at P10,000 para sa school year 2024-2025 hanggang sa mga susunod pa at ang karagdagang benepisyong ito ay hindi kakaltasan ng buwis.

Sa sponsorship ni Revilla noong nakaraang linggo, sinabi nitong naoobliga ang mga gurong maglabas ng sarili nilang pera para makabili ng mga materyales at iba pang supplies na ginagamit nila sa pagtuturo at hindi na sapat ang tinatanggap nilang P5,000 kada taon o P24 kada araw.

Sinabi pa ng chairman ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation na ang kasalukuyang cash allowance ay kabilang na ang P500 alokasyon para sa medical examination, na kung ibabawas pa umano ang gastos sa teaching materials ay bababa pa sa P22 kada araw.
Ang isang kahon ng chalk ay P68, ream ng bond paper na P120 at int
ernet load na pangunahing kailangan sa pagtuturo lalo noong kasagsagan ng pandemya.

“With the passage of ‘Kabalikat sa Pagtuturo Act’, we are giving our dear teachers an assurance that they will always have the Senate as their ally in advocating, pushing, and fighting for their welfare,” saad ni Revilla.

“Isang hakbang pa lamang ito sa marami pa rin nating mga ipapasang panukala para sa kapakanan ng ating mga guro,” paliwanag pa niya.

Kasabay nito, nanawagan din ang senador sa House of Representatives na ikonsidera ang pagpasa sa naturang panukala upang matulungan ang mga pampublikong guro.