Advertisers
NASA P35.18 milyong halaga ng mga puno ng marijuana ang sinira sa 1.6 ektarya ng lupain sa tatlong barangay ng Tinglayan, Kalinga ng mga awtoridad sa patuloy na marijuana eradication sa Kalinga Province.
Ayon kay Philippine National Police information officer Captain Ruff Manganip ng Kalinga, ang operasyon ng joint operatives ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nagsimula May 17-19, 2023 sa mga bulubundukin ng barangay Butbut, Luccong, at Balay, Tulgao sa bayan ng Tinglayan.
Tuluy-tuloy na ang ginagawang marijuana eradication nang natuklasan sa aerial survey at ng mga surveillance team unit na nasa 100 hektaryang lupain sa bulubundukin ng nasabing bayan ang natamnan ng marijuana.
Walang nadakip na cultivators sa operasyon dahil natutunugan ang pagsuyod ng mga awtoridad sa mga taniman.