Advertisers
Nasakote ng Valenzuela PNP ang isang vendor na nasa listahan bilang most wanted sa isinagawang manhunt operation sa isang resort sa Valenzuela City, Linggo ng hapon.
Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang akusado na si Jaypee Angeles, 24 ng GK, Brgy. Pulong Santol, Porac, Pampanga.
Sa report ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, nagsagawa ng joint manhunt operation ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/Lt Ronald Bautista at at 5th MFC, RMFB, NCRPO sa wanted person.
Naaresto sa ang akusado ala-1:05 ng hapon sa loob ng Great Falls Resort Brgy. Maysan ng lungsod.
Ani Lt Bautista, dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Elena A. Amigo-Amano, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 282, Valenzuela City noong May 14, 2022 para sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002-Sale at Possession of Dangerous Drugs.
Pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS ang akusado habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.(Beth Samson)