Advertisers

Advertisers

‘Pork barrel Queen’ absuwelto 16 kaso ng graft!

0 151

Advertisers

PINAWALANG-SALA ng Sandiganbayan si Janet Lim-Napoles sa 16 bilang ng kasong ‘graft’ kaugnay sa ‘pork barrel fund scam’.



Ito’y nang mabigo ang prosekusyon na patunayang ‘guilty’ si Napoles sa naturang mga kaso.

Ipinaliwanag ng anti-graft court na ang mga alegasyon laban kay Napoles ay “predicate crimes” kungsaan siya ay nahatulan na.

“The alleged acts are predicate crimes of ‘Plunder’ in ‘People V. Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr.’ Criminal Case No. SB-14-CRM-0240, under which she has already been previously charged and convicted,” ayon sa 223-pahinang desisyon ng korte na ipinahayag nitong Lunes, Mayo 22.

Ipinag-utos din ng Sandiganbayan ang pagpapawalang-bisa sa hold departure orders na inilabas laban kay Napoles kaugnay ng nasabing mga kaso.

Samantala, hinatulan naman si Napoles na ‘guilty’ sa mga kasong graft at malversation kaugnay sa pork barrel fund scam kay dating Davao del Sur Rep. Douglas Cagas.

Si Napoles ay na-convict sa ‘Plunder’ noong Disyembre 7, 2018, sa pagkasangkot sa PDAF scam, kungsaan ang conviction ay pinanindigan ng Sandiganbayan anti-gtaft court noong Marso 13, 2019.

Noong 2021, si Napoles ay hinatulan ng Sandiganbayan ng 3 counts ng graft at 3 counts ng malversation kasama ang isang kinatawan ng Cagayan de Oro.