Advertisers
NANGHIHINAYANG at nalulungkot si Postmaster Geneal Luis D. Carlos ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa biglaang sunog na naganap sa kanilang opisina sa gusali ng Manila Central Post Office kaninang madaling araw.
“ Masusi po kaming nakikipag-ugnayan sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa posibleng sanhi ng sunog na tumupok sa gusali ng MCPO”, ani PMG Carlos.
Ayon kay Postmaster General Luis D. Carlos, pinapayuhan nila ang kanilang mga kliyente sa Manila Central Post Office na sa halip ay pumunta sa kanilang sangay sa iba pang lugar sa Maynila, at Metro Manila.
Tiniyak nila sa publiko na bukas pa rin at tuloy ang serbisyo ng Post Office sa buong bansa upang tumanggap at maghatid ng sulat at parsela.
“This is truly sad news since the Post Office is an heritage site and frequently visited by people”, ani Carlos.
Siniguro ni Postmaster General Carlos na maghahap sila agad ng temporary office gayun din ililipat muna nila ang kanilang mga kartero mula sa Manila Central Post Office papunta sa kanilang mga karatig na sangay sa Maynila.
Matatandaan na nasunog ang gusali ng PhlPost nitong madaling araw ng Lunes.May naiulat na 13 nasugatan sa panig ng mga pamatay sunog. Wala ding namatay o nasugatan sa panig Ng PhlPost.
“Magpapatuloy pa rin ang regular na operasyon at serbisyo postal sa bansa sa kabila ng ng ganitong hindi inaasahang pangyayari”, ayon sa statement ng PHLPost. (ANDI GARCIA)