Advertisers

Advertisers

Joshua babu na sa pabebe, game na sa matured roles; Jake Zyrus focus muna sa mental health, bye socmed

0 119

Advertisers

Ni BETH GELENA

IN-announce ni Jake Zyrus sa kanyang Facebook account na break muna siya sa social media dahil pagtutuunan muna niya ang kanyang mental health.
Post ng singer: “Hi All
“I know I don’t post a lot, but I just wanted to let you guys know that I’ll be taking a break from social media for a few weeks to focus more on my mental health.
“It’s been a rough ride. A lot of people have tried to break me, so this is me fighting back, by healing.
“I know it’s not gonna be easy, but I also know it will help me a lot. If you’re looking for a sign to also take a break because it’s been a lot for you, this is it. Let’s bdo this together.”
Dahil muling nagparamdam si Jake sa socmed umapaw na naman ang komento ng netizens nany panghihinayang nu’ng si Charice Pempengco pa siya.
“Sayang siya kung di siya nagpahormone tanggap pa sana siya. sana ginaya na lang niya yung Klea Pineda na nag out pe’ro di binago ang sarili.”
“Please try to read up on what SOGIE is. Klea’s sexual orientation is different from Jake’s Gender Identity.”
“pwede naman sana kumanta with the voice of ‘charice’ tapos jake ang looks. she could’ve at least tried it for a few years. i guess factor din na magulo ang pamilya nila kaya parang nagrebelde din si jake nun.”
“True. Nasasayangan talaga ako sknya.”
“Sayang aga nalaos”
“atleast sumikat ng bongga. maybe he’s content with that na.”
“I miss Charice, yung nagconquer sa stage internationally.”
“Ok lang naman mag out siya pero yung baguhin mo boses mo to be sound like a man Thats different dun nasira Career niya. David foster Will support her parin.”
“Its effect of the nag pa hormone kaya siya nag ka ganyan. Oh don’t bash Me sa totoo lang tayo. Sa una sige masaya you Feel free parang nakalaya ka pero in the end – deep inside you are sad. Shes a girl no tayo nga pag malapit na moon day natin we Feel depressed / emotional si ate Charice din kaya siya nag kakaganyan.
Sinasabi niya ang saya saya n’ya nung nag out siya at pa
Hormone hinde talaga siya masaya yun lang yun”
***
COCO BATA PA LANG SI JULIA ‘BINAKURAN’ NA
Ngayong umamin na sina Coco Martin at Julia Montes na 12 years na silang magkarelasyon, tanong naman ng netizens ay kung aminin din daw ba nila na may anak na umano sila tulad nang nababalita noon.
Kaya raw hindi sila umaamin dahil ibig nilang maging private ang relasyon.
Pinagtatalunan ng netizens ang age ni Julia that time kung 12 taon na silang nagsasama ng aktor.
Anila, 28 years old na raw ngayon ang aktres, meaning 16 years old lang daw si Julia nang maging boyfriend si Coco.
At 29 years old naman daw si Coco noon.
Narito pagtatalo ng netizens sa edad ng celebrity couple.
‘“kunwari nagulat tayo hahaha pero good for them! mahaba din ang 12 years tapos tahimik lang sila”
“28 yrs old na si Julia now
So 28-12 = 16″
“Pero coco was already nearing his 30s nung time na yun and super minor pa si Julia.”
“minor pa si Julia that time at si Coco was in his 30s na… cringe!”
“Ang main issue kasi dito, 29 na si Coco nung naging sila while Julia is just a minor. He clearly groomed her.”
“Ang agang binakuran ni Coco si Julia! Parang Zsazsa lang at nung ex-hubby niya.”
“Oo nga pero atleast sila pa din. Di gaya ng ibang lalake na nambobola ng minor para maisahan. Atleast si Coco mahal nya talaga si Julia kaya sila pa rin.”
“It was still creepy to think that julia was 16 and coco was in his 30’s that time. There’s a term for that but i don’t wanna say or type it…Buti nlng J was well-taken care of”
“cougar na pala si Coco noon, pero boyish look siya kaya nadala siya ni Julia… now matched na sila dahil matured na silang pareho… besides mahal talaga nila ang isa’t isa.”
***
PINAG-uusapan ang torrid kissing scene nina Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria sa sanib-pwersang teleserye ng ABS-CBN, GMA-7 at Viu na Unbreak My Heart.
Sa vlog ni Ogie Diaz, ang Showbiz Update, hindi raw nagpatinag ang young actor sa kissing scene nila ni Jodi.
Ang dami nga raw kinilig at nagsasabing parang bagay naman daw sina Jodi at Joshua kahit malaki ang agwat ng kanilang edad.
Level-up na nga ang young actor at wala na siyang mga pabebe at pa-cute sa bago niyang teleserye.
Aba, hindi lang lips ni Jodi ang natikman ng aktor kundi ang lips ng Kapuso aktres na si Gabbi Garcia.
Sabi nga noon ni Joshua sa isang panayam, hindi raw siya laging pa-wholesome need na rin daw niyang gumanap sa mga matured role dahil nasa tamang edad na rin daw naman siya.
Kaya ba naging mapangahas na siya sa role niyang ginampanan sa UMH?