Advertisers
NATAGPUAN ang isang menor de edad na patay, may posas sa kamay at nylon cord sa leeg, sa San Ildefonso, Bulacan.
Kinilala ang biktima na si Samuel Mansat, 17 anyos. Natagpuan ang kaniyang bangkay sa isang palayan.
Hindi pa nalalaman ng mga awtoridad kung ano ang dahilan ng sinapit ng binata.
Ayon sa ama ng biktima na si Sonny, hindi niya alam kung may kaaway ang anak dahil palakaibigan daw ito.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.