Advertisers
HUMINGI ng tulong sa hukuman ang isa sa mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa.
Naghain ng petisyon na “habeas corpus” sa Regional Manila Regional Trial Court ang suspek na si Joven Javier sa pamamagitan ng kaniyang legal counsel na si Atty. Danny Villanueva.
Ito’y kasunod ng pag-atras ni Javier sa kaniyang naunang testimonya na nagdidiin kay suspended Congressman Arnulfo Teves, Jr. kaugnay sa Degamo murder.
Sa inihaing petisyon, nakapaloob dito na nanganganib ang buhay ni Javier nang madiskubreng may nagpaplanong ipapatay siya sa pamamagitan ng pekeng senaryo na tumakas o nag-amok siya sa loob ng bilangguan.
Nilinaw din ng kampo ni Javier na wala pang naisasampang kaso laban sa kaniya, kaya walang batayan para siya ay ikulong.
Iginiit ni Javier na dapat siyang palayain kung saan ipinasok siya sa ‘Witness Protection Program’, kahit wala siyang nagawang krimen.