Advertisers

Advertisers

Traffic enforcer bumulagta sa rider

0 169

Advertisers

BUMULAGTA ang isang traffic enforcer nang barilin ng sinita niyang motorcycle driver sa Barangay Daang Amaya, Tanza, Cavite nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si William Mentes Quiambao, traffic enforcer sa Tanza at residente ng Barangay Tres Cruses.

At ang salarin ay kinilalang si Joseph Llagas, residente ng St. John Subdivision, Barangay Biga sa Tanza.



Sa ulat, 6:00 ng gabi nitong May 28 nang maganap ang insidente. Sinita umano ni Quiambao si Llagas sa harap ng SM Center Tanza na nakainom ng alak at nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo na nauwi muna sa suntukan at pamamaril ni Llagas sa biktima.

Sa report, tatlong beses binaril ni Llagas ang biktima sa likod ng kanyang ulo at mabilis tumakas.

Isinugod pa ang biktima sa pinakamalapit na ospital subali’t hindi na ito umabot ng buhay.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon at pagtugis sa tumakasa na salarin.(Irine Gascon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">