Advertisers
TODAS ang apat na miyembro ng New People’s Army sa pakikipaglaban sa mga puwersa ng gobyerno sa Catarman, Northern Samar.
Sinabi ni Army Infantry Division commander, Major General Camilo Ligayo, nakatanggap sila ng ulat na may mga armadong grupo na nangingikil sa bulubunduking bahagi ng Barangay Mabini.
Aniya, pinamumunuan ang grupo ni Mario Sevillano alias “Durok”, ng Sub-Regional Guerilla Unit (SRGU), Sub-Regional Committee (SRC) Emporium ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).
Nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng Army 43rd Infantry “We Search” Battalion at nagkaroon ng palitan ng mga putok ng 15 minuto.
Narekober sa lugar ang dalawang M16 rifles, 2 caliber .45 pistols, mga bala at mga personal na gamit.
Pinaniniwalaan na may iba pang rebelde na nasugatan base sa mga bakas ng mga dugo sa lugar.