Advertisers
INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang isyu ng pamemeke ng ilang pulis sa kanilang accomplishments para ma-promote sa pwesto.
Ito ay makaraang ibunyag ni Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers at National Police Commission (NAPOLCOM) ang sistema ng PNP sa promosyon at performance ratings ng anti-drug police operatives ay depektibo.
Ayon kay PNP Chief, General Benjamin Acorda, Jr., agad silang nagkasa ng imbestigasyon upang malaman kung may katotohanan ang ibinunyag ng mambabatas.
Paliwanag ni Acorda, regular ang kanilang review sa promosyon ng mga pulis para matiyak na tanging kwalipikado lamang ang umaangat ng pwesto.
Aniya, makikipag-ugnayan sila sa NAPOLCOM para mapunan ang mga gap sa promosyon nang sa gayon ay masolusyunan ang nasabing usapin.