Advertisers

Advertisers

Karnaper na bagets sa Maynila natunton sa GPS

0 202

Advertisers

NATIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police District-Police Station 11 ang isang 17-anyos na karnaper nang matunton sa Global Positioning System (GPS) ang tinangay nitong isang tricycle sa Binondo, Maynila.

Nakadetine sa nabanggit na istasyon ng pulisya ang binatilyong taga-Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Ayon kay Angellyn Buñales, 31 anyos, may-ari ng tricycle, taga-Malate, 8:30 ng gabi nang tangayin ang kanyang tricycle habang nakaparada sa Remedios St., Malate.



Humingi ng tulong sa Barangay ang biktima at sa pamamagitan ng nakakabit na GPS ay natunton nila ang tricycle 9:55 ng gabi sa harap ng One Soler Building sa Felipe II Street, Binondo.

Nang puntahan ang nakaparadang tricycle ay dinampot ng pulisya ang binatilyong karnaper.(Joseph Elias Bontogon)