Advertisers

Advertisers

‘Killer’ ng bata sa washing machine mahilig manood ng US serial killing series

0 551

Advertisers

INIHAYAG ng Las Piñas City Police na ang sanhi ng kamatayan ng 4-anyos na lalaking natagpuang patay sa loob ng washing machine ay “blunt traumatic injuries” sa kanyang ulo.



Ayon kay city police chief Colonel Jaime Santos, sinisilip nila ang posibilidad na ang salarin sa pagpatay sa bata, na sariling tiyuhin ng biktima at isang menor na 15 anyos, ay isinagawa ang krimen dahil sa hilig nitong manood ng serye ni Jeffery Dahmer, isang American serial killer at sex offender.

Sinabi ni Santos na inamin ng ama ng salarin na tagapanood ni Dahmer ang kanyang anak.

Sinabi rin niya na hinihintay pa ang full autopsy report para matukoy kung tinorture ang batang biktima bago siya isinilid sa washing machine.

Naghain narin ng kasong murder laban sa salarin sa Las Piñas Prosecutors Office.

Idinagdag ng city police chief na dinala na ang salarin sa City Social Welfare and Development (CSWD).

Ani Santos, nadiskubre ang katawan ng bata nang sabihin ng pinsan nito na si Hermie Modero, na nabasa niya ang kakaibang post ng salarin sa kanyang social media account habang nawawala ang bata.

Aniya pa, isa pang concerned citizen na malapit na kaibigan ng salarin ang nakipag-ugnayan sa kanila dahil hindi na maitago ang krimen.