Advertisers
LIMA katao ang nasawi sa kagat ng aso sa Batac City at bayan ng Paoay, Ilocos Norte.
Dahil dito ay magdeklara ng rabies outbreak ang local government unit sa lalawigan.
“Ang deklarasyon ng outbreak ay naglalayong pakilusin ang buong komunidad na kumilos dahil layunin naming mabakunahan ang 66,000 populasyon ng aso sa lalawigan,” ani Provincial veterinarian Loida Valenzuela.
Upang mapigil ang pagkalat ng rabies, sinabi ni Valenzuela na mangangailangan ang lalawigan ng mahigit P3 milyon para sa agresibong pagbabakuna sa mga aso sa lahat ng barangay, kabilang ang pagsusuri at pagkukumpuni ng diagnostic laboratory sa lalawigan.