Advertisers

Advertisers

Miembro ng CAFGU pinatay

0 153

Advertisers

NASAWI ang isang kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa pamamaril sa mataong lugar sa Barangay Poblacion, Matalam, Cotabato nitong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Ariel Tanio Wacan, residente ng Barangay Valencia, ‘di kalayuang bayan ng Pikit.

Ayon sa inisyal na pahayag ng Matalam Municipal Police Station, nilapitan ng isang lalaki si Wacan habang nakatayo sa gilid ng kalye sa residential area sa Matalam at biglang binaril.



Tinangay pa ng salarin ang bag ng biktima sa kanyang pagtakas, ayon sa mga saksi.

Ang Pikit ay kontrobersyal na bayan, parating laman ng balita dahil sa walang tigil na mga serye ng mga pamamaril sa ibat-ibang barangay nito. Hindi bababa sa 40 katao mula 2021 ang mga pinatay dito, lahat walang kalutusan, at walang mga naarestong salarin.