Advertisers

Advertisers

Pekeng “Coast Guard” recruiter timbog

0 149

Advertisers

TIMBOG sa entrapment operation ang isang pekeng recruiter ng mga gustong sumanib sa Philippine Coast Guard nitong Lunes ng gabi, May 29, 2023, sa Isabela City, Basilan.

Ang pekeng PCG recruiter ay kinilalang Yazier Balling, naaresto ng mga operatiba ng Isabela City Police Station at ng unit ng PCG sa lungsod. Nadakip ito sa isang hotel sa lungsod.

Sa inisyal na pahayag ng pulisya, nanghihingi ng P60,000 si Balling sa mga aplikanteng pinangakuan niyang makapapasok sa PCG kapalit ng naturang halaga.



Ilang aplikante na ang kanyang nakunan ng pera at mga dokumentong diumano’y kailangan para sa PCG recruitment process. (Jocelyn Domenden)