Advertisers

Advertisers

BRODKASTER PATAY SA AMBUSH SA MINDORO

PTFoMS nag-alok ng P50K reward

0 225

Advertisers

NASAWI ang isang radio broadcaster nang pagbabarilin ng riding in tandem, habang namatay naman ang isa sa mga salarin nang habulin at bundulin ng anak ng biktima habang papatakas sa Calapan City, Oriental Mindoro, Miyerkoles ng umaga.

Binawian ng buhay sa Oriental Mindoro Provincial Hospital habang nilalapatan ng lunas ang biktimang si Cresenciano Aldovino Bunduquin, 50 anyos, miyembro ng media, ng Barangay Canubing 1, Calapan City sanhi ng tama ng mga bala sa katawan.

Nasawi naman ang isa sa mga salarin na kinilalang si Narciso Ignacio Guntan. At tinutugis na ng mga otoridad ang kasamahan niyang nakatakas.



Ayon kay Lt. Colonel Alfredo Lorin Jr., hepe ng Calapan City Police Station, 4:20 ng madaling araw nangyari ang pamamaril sa kahabaan ng C5 Road, Barangay Sta. Isabel, Calapan City.

Nakatayo ang biktima sa tapat ng Kuya Tats Sari-Sari nang dumating ang riding in tandem, sakay ng Honda XRM 125 (DD 22153). Bumaba ang angkas, lumapit sa biktima at pinaputukan ito ng sunud-sunod. At mabilis na tumakas patungo sa Brgy. Saul.

Hinabol ng anak na lalaki ni Bonduguin sakay ng kotse ang riding in tandem. At nang abutan ay binangga nito ang motorsiklo, dahilan upang mahulog ang driver nito na si Guntan at tumama sa steel barrier sa gilid ng kalsada na ikinasawi noon din, habang nakatakas ang angkas nito.

Kaungay nito, kinondena ni PNP Chief, General Benjamin Acorda Jr., ang pagpatay sa brodkaster.

Inatasan ni Acorda ang Police Regional Office 4B (MIMAROPA) at Calapan City Police na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa pagpatay sa miyembro ng media para sa agarang pagkakadakip sa isa pang gunman.



Isang Special Investigation Task Group (SITG) ang binuo ng PNP upang magsagawa ng mausing imbestigasyon sa krimen.

Samantala, nag-alok na ng P50,000 reward ang Presidential Task Force on media Security (PTFoMS) para sa makapagbibigay ng anumang impormasyon sa isa pang gunman ni Bunduquin.

Sa inilabas ng pahayag ni PTFoMS Undersecretary Paul Gutierrez, ipinaabot narin niya kasama ang Presidential Communications Office at Department of Justice ang kanilang taos-pusong pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ni Bunduquin.

Ayon sa pahayag ni Gutierrez, pangalawa na si Bunduguin na radio blocktimer, na pinatay simula Oktubre 2022. Una ay si Percival ‘Percy Lapid’ Mabasa.

“Absent of evidence to the contrary, his death is now deemed ‘work-related’ to facilitate the investigation,” ani Gutierrez.

“We commend the Philippine National Police under Director General Benjamin Acorda, the PRO4-B under RD P/BGen. Joel Doria for the immediate operationalization of the existing mechanism agreed between the PTFoMS and the PNP for such an incident thru the creation of SITG Bunduquin headed by Mindoro Oriental PD P/Col. Samuel Delorino,” dagdag pa ng bagong talagang undersecretary ng PTFoMS.

Pinuri naman ni Gutierrez ang Presidential Anti-Organized Crime Commission sa ilalim ni Executive Director Gilbert Cruz sa pagtitiyak sa buong suporta sa PTFoMS sa paglutas sa krimen.

“Moving forward, we assure the public that the PTFoMS, as a national inter-agency task force mandated to protect the life, liberty and security of all members of the press, shall not fail in its mandate,” sabi pa ni Gutierrez.

Ang nasabing reward ay ibinigay ng isang indibidwal na hindi na nagpabanggit ng kanyang pangalan. (Mark Obleada/Ronald Bula/Jocelyn Domenden)