Advertisers

Advertisers

MARCOS TINIYAK ‘DI GAGALAWIN PENSION FUND SA ‘MAHARLIKA’

0 124

Advertisers

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na hindi gagamitin ng pamahalaan ang state pension fund para sa bagong aprubang Maharlika Investment Fund (MIF).

Ang pahayag ay ginawa ni PBBM sa isang ambush interview nang matanong ng media hinggil dito sa kanyang pagdalo sa 87th Anniversary ng Government Service Insurance System (GSIS) sa Pasay City nitong Miyerkules.

Ayon sa Pangulo, hindi magiging seed fund ng MIF ang state pension fund.



Ang MIF Bill ay lumusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado makaraan ang labindalawang oras na deliberasyon Miyerkules ng madaling-araw.

Una nang inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na huhugutin ang pondo ng MIF mula sa Landbank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at iba pang fund sources.

Gayunman, sinabi ni PBBM na kung magpapasya ang pension fund na maglagak ng investment sa MIF ay nasa kanila pa rin ang naturang desisyon. (GILBERT PERDEZ/VANZ FERNANDEZ)