Advertisers

Advertisers

Upang parangalan ang mga buhay na nawala sa HIV-AIDS: Candlelight ceremony isinagawa sa Caloocan

0 89

Advertisers

Nagsindi ng kandila ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan kasama ang Human Immunodeficiency Virus (HIV) – apektadong komunidad at mga tagapagtaguyod upang gunitain ang mga natalo sa pakikipaglaban sa Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) o ang pinaka-advanced na stage ng HIV.



Ipinahayag ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang kanyang lubos na suporta at paggalang sa komunidad na apektado ng HIV. Nakipag-usap din siya sa publiko na tumulong at mag-ambag sa pagsira sa mga hadlang ng stigma at diskriminasyon.

“Sa ating mga kababayan na apektado ng karamdamang ito, gusto ko pong maipadama ang aming pantay na pagtingin, suporta, at respeto para sa inyo,” wika ni Mayor Along.

“Samantala, hinihikayat ko naman po ang lahat na makibahagi at tumulong upang tuluyang mawalan ng diskriminasyon at mga maling paniniwala tungkol sa HIV-AIDS,” dagdag ni Malapitan.

Bukod dito, isinulong ng City Health Department Head na si Dr. Evelyn Cuevas ang mga libreng serbisyong may kaugnayan sa HIV na iniaalok ng pamahalaang lungsod.

“Bukod sa libreng HIV test kits, may counseling at awareness seminars and orientations po tayong ibinibigay at kalagayan para sa ating mga mamamayan,” wika ni Dr. Cuevas.

Binanggit din ni Mayor Along ang mga pagsisikap na patuloy nilang ipatutupad upang magabayan ang komunidad at matulungan ang mga naapektuhan na ng sakit.

“Patuloy po tayong magbibigay ng gabay at libreng serbisyo sa ating mga mamamayan at mas magsisikap tayong matutulungan ang pangangailangan ng mga kababayan nating apektado ng sakit na ito,” pahayag ni Mayor Along.(BR)