Advertisers

Advertisers

GEOMAPPING SA AGRI LANDS PINAKAKASA NI PBBM

0 175

Advertisers

IPINAG-UTOS ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasagawa ng geomapping sa mga lupang sakahan upang mapataas ang ani ng mga magsasaka.

Ang direktiba ay ginawa ni PBBM matapos makipagpulong sa Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) sa Malacañang.

Ayon kay Pang. Marcos, ang geomapping ay ginagamit na ng gobyerno sa pagresolba sa titling issues upang mapalakas ang agricultural production at maging ang kita ng mga magsasaka.



Ang geomapping ay isang proseso kung saan kino-convert bilang geomap ang mga datos mula sa mga survey sa pamamagitan nang pagbibigay ng mabilis at accurate na visualization sa isang lugar o lokasyon.

Pahayag naman ni Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, sa naganap na pulong kasama ang Presidente ay naglatag ang PRISM ng ilang concerns pero karamihan aniya sa mga hamon na ito ay maaaring masolusyunan sa tulong ng kasalukuyang mga intervention at programa ng pamahalaan.

Kabilang sa mga tinukoy na government interventions ay ang pagpapatupad ng Farm and Fisheries Consolidation and Clustering program (F2C2), pagkakaloob ng iba’t ibang suporta tulad ng credit and financing ng Department of Agriculture (DA) at Land Bank of the Philippines, at pagtatayo ng mga climate-smart agriculture infrastructure. (GILBERT PERDEZ/VANZ FERNANDEZ)