Advertisers

Advertisers

PANGAMBA NG PUBLIKO SA SATELLITE LAUNCHING NG NOKOR PINAWI NG PAMAHALAAN

0 107

Advertisers

PINAWI ng pamahalaan ang pangamba ng publiko hinggil sa posibilidad na magkaroon ng epekto sa Pilipinas ang satellite launching ng North Korea.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Captain Edgardo Diaz, Deputy Director General for Operations ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), na naabisuhan naman sila tungkol sa launching na nagsimula nitong Mayo 30 at matatapos sa Hunyo 10 kaya’t nag-isyu agad sila ng notice to airmen (NOTAM) na may kinalaman dito.

Ayon kay Diaz, hindi dapat ikabahala ang paglulunsad ng satellite ng NoKor dahil hindi naman masyadong apektado ang Pilipinas at natukoy na rin naman aniya ang mga lugar na maaaring maaapektuhan tulad ng west portion ng bansa malapit sa boundary ng katabing airspace.



Ipinunto pa ng opisyal na ang tatamaan lang aniya ay ang dalawang ruta na kinabibilangan ng papuntang Guam habang hindi rin maaapektuhan ang domestic flights sa bansa dahil magkakaroon ng rerouting ang mga airline. (GILBERT PERDEZ)