Advertisers
NAGPAHAYAG ng kalungkutan si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa pagpanaw ni Negros Oriental Governor Carlo Jorge Joan “Guido” Reyes.
Ipinarating din ni PBBM ang kanyang pakikiramay sa pamilya, kaibigan at mga mamamayan ng lalawigan sa pagkamatay ng kanilang lider.
Ayon kay PBBM, umaasa siya na pahahalagahan at hindi malilimutan ng mga Negrense ang mga nagawa o pamana ng gobernador.
Si Reyes ay pumanaw nitong Mayo 31, 2023 dahil sa karamdaman.
Matatandaang si Reyes na dating bise gobernador ng lalawigan ang pumalit na naiwang posisyon ng pinaslang na gobernador na si Roel Degamo. (GILBERT PERDEZ)