Advertisers
NASAWI ang dalawang bata at kritikal ang isa pa na magkakapatid nang saksakin ng amain habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Caraga, Davao Oriental.
Sa ulat, nangyari ang krimen sa Barangay San Jose, Miyerkoles ng madaling araw.
Kinilala ang salarin na si Mario Indawa, 42 anyos, amain ng mga bata.
Kinilala ang mga nasawi na sina Ashley Portillo, 10 anyos; at kapatid na Hilbert, 5 anyos. Kritikal naman ang isa pa nilang kapatid na si Angelbert, 7.
Ayon sa report, wala ang ina ng mga bata nang mangyari ang krimen.
Kasalukuyang naka-hospital arrest ng pulisya ang stepfather na si Indawa, at sasailalim ito sa operasyon nang saksakin ang kanyang tiyan at naglaslas ng lalamunan.
Inaalam pa ang motibo sa likod ng karumal-dumal na krimeng ito.
Hinihinala ng mga awtoridad na matinding selos ang nagtulak kay Indawa para saksakin ang mga bata.