Advertisers

Advertisers

Libreng notary service para sa solo parents, inilunsad ng Caloocan LGU

0 797

Advertisers

Pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pangunguna ni City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, ang isang Libreng Notary Service program para sa mga solo parents ng Lungsod noong Martes, Hunyo 06.

Naglalayon ang programa para tulungan ang mga solo parents sa pagproseso ng mga legal na dokumento na kailangan sa pag-a-apply para sa isang Solo Parent ID.

Ayon kay Mayor Along, layunin ng programa na parangalan ang walang humpay na pagsisikap at dedikasyon ng mga solong magulang ng Lungsod sa pamamagitan ng pagliit ng pinansiyal na pasanin ng mga legal na proseso.



“Handog po natin ang serbisyong ito para sa ating mga solo parent. Layunin po natin na makabawas ito sa gastusin at isipin ng ating mga dakilang magulang na mag-isang nagtataguyod ng kanilang mga pamilya”, pahayag ni Mayor Malapitan.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang Alkalde sa pagtutulungan ng Legal and Social Welfare Development Departments ng lokal na pamahalaan sa pagtiyak ng maayos na pagsasagawa ng nasabing programa.

“Nagpapasalamat po tayo sa pagtutulungan ng City Legal Department at City Social Welfare Development Department upang maisakatuparan ang inisyatibong ito,” ani Mayor Along.

Kasama sa mga dokumentong sakop ng Libreng Notary Service ang Sinumpaang Salaysay at Affidavit ng Dalawang Hindi Interesado na Tao. Pinaalalahanan din ng Pamahalaang Lungsod ang mga solo parents na mag-apply para sa ID upang magamit ang mga benepisyong ibinibigay ng parehong pambansa at lokal na pamahalaan.(BR)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">