Advertisers

Advertisers

Order ng Court Administrator sa Muntinlupa RTC Branch 256 sa kaso ni De Lima…‘RESOLBAHIN NA YAN!’

0 148

Advertisers

INATASAN ng Office of the Court Administrator (OCA) ang Muntinlupa City na resolbahin na sa loob ng siyam na buwan ang nalalabing kaso na may kaugnayan sa iligal na droga ni dating Senador Leila De Lima, na anim na taon nang nakakulong sa PNP Costudial Center sa Camp Crame.

Ito ay base sa natanggap ng korte na order noong Mayo 4, 2023, na Memorandum na may petsang April 28, 2023 mula kay Honorable Raul B. Villanueva, Court Administrator, na direktang inaatasan ang Presiding Judge ng Muntinlupa Regional Trial Court, Branch 256, na si Hon. Romeo S. Buenaventura na unahin at desisyunan ang naturang kaso sa period na nasa OCA Circular No. 83-2023, tinukoy ang sa loob ng siyam na buwan, dahil ang kaso ay naka-pending na ng anim na taon.

Inatasan din dito ang panel of prosecutors na kumpletuhin at i-terminate na ang kanilang presentation of evidence nitong June 5, 19, at 26, 2023.



Nitong Miyerkules ay binasura ng korte ang ‘petition for bail’ ng kampo ni De Lima, sinabing: “The culpability or innocence of the accused will still be decided on the basis of all evidence presented by the parties and only after trial on the merits of the case.”

Ang dalawa pang kaso ni De Lima, kabilang na ang sinasabing “mother of all cases”, ay binasura na ng korte, ibang Muntinlupa RTC Branches.

Si De Lima ay nakulong simula 2017 matapos akusahang nakikipagsabwatan at tumatanggap ng “drug money” sa convicted drug lords sa National Bilibid Prison, kungsaan ang mga testigo ay convicted drug lords pati na si dating Bureau of Correction chief Rafael Ragos.

Ngunit ang mga naturang testigo ay nagsiwidro pati na si Ragos at nagsabing sila’y pinilit at ginipit lamang noon ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre, dahilan para mabasura ang dalawang kaso ni De Lima.

Si De Lima ay numero unong kritiko ni dating Davao City Mayor-ex-President Rody Duterte.



Si Buenaventura ay isa sa mga itinalagang Huwes ni Duterte.