Advertisers
‘GUILTY’ ang naging hatol ng korte sa Pampanga laban sa isang pulis at dating ahente ng National Bureau of Investigation kaugnay ng kidnapping at pagpagtay sa South Korean businessman na si Jee Ick Joo noong 2016.
Base sa 192-pahinang desisyon, sinabi ng Angeles Regional Trial Court Branch 60, na si Senior Police Officer III (SPO3) Ricky Sta. Isabel at dating NBI agent na si Jerry Omlang ay “guilty beyond reasonable doubt” sa kasong `kidnapping with homicide.’
Sinentensyahan ang mga akusado ng ‘reclusion perpetua’ na walang parole at kulong ng 20 hanggang 40 taon.
“The Court finds that the prosecution was able to prove that SPO3 Ricky Sta. Isabel y Molabola and Jerry Omlang y Abarando aka Jerry are guilty beyond reasonable doubt of the special complex crime of kidnapping with homicide,” sabi nito.
Ipinag-utos din ng korte na magbayad ang mga ito ng P50K temperate damages, P100K moral damages, P100K exemplary damages, at P100K civil indemnity na may interes na 6% per annum.