Advertisers
VIRAL sa social media ang isang estudyante ng STI College na pumasok sa isang classroom na amoy alak at nambastos sa isang guro habang nagkaklase.
Kumalat sa Facebook ang video ng isang lalaking estudyante na nasa loob ng classroom ng babaeng titser. Noong una, mahinahon at nagtitimpi pa ang guro na pinalabas ang estudyante na aniya’y amoy alak.
May pagkakataon sa video na narinig ng titser na tinawag siya ng estudyante na “tarantado”..
Tumaas pa ang tensyon nang dumating na sa silid ang security ng eskwelahan at iba pang personnel na magpapahinahon sana sa estudyante, pero imbes kalmadong lumabas ng silid lalo pa itong nagsisigaw at tinawag na “tarantado” ang guro.
Ayon sa comment section at sa mga nag-share ng video, kuha ito sa STI Ortigas-Cainta.
Marami naman ang dismayado sa estudyante, may mga nanawagan din sa mga bar na huwag nang magpapasok ng mga kabataan lalo na kung school hours para maiwasan ang pag-iinom.