Advertisers

Advertisers

DRUG LORD’ KERWIN ESPINOSA ABSUELTO, PINALAYA!

0 194

Advertisers

PINAWALANG-SALA ng Makati City Court ang umaming drug lord na si Roland “Kerwin” Espinosa” at ang kasama nito.

Ito ay dahil sa pagkabigo ng prosecution na magpresenta ng sapat na ebidensiya.

Sa 21-pahinang desisyon na inilabas ng Makati City Regional Trial Court Branch 65 na pirmado ni Judge Veronica Tongo-Igot, pinaboran nito ang inihain ng kampo ni Espinosa at Marcelo Adorco na walang bisa ang mga ebidensiya.



“Wherefore, in view of the foregoing, the Demurrer to Evidence filed by both accused are hereby granted. Accordingly, Rolan E. Espinosa and Marcelo L. Adorco are hereby acquitted of the offense charged on reasonable doubt. They are ordered immediately released from detention unless they are confined for any other lawful cause,” ayon sa desisyon korte nitong Hunyo 6.

Nakasaad sa ruling ng korte na bigo ang prosecution na patunayan ang elemento na napapaloob sa Republic Act 165, Comprehensive Dangeroous Drugs Act 2002.

Napatunayan din ng korte na gawa-gawa lang ang sinumpaang salaysay ni Adorco.

Maging ang ‘extrajudicial confession’ ni Espinosa noong 2016 sa senate hearing ay hindi tinatanggap dahil sa bigong patunayan ng prosecution na boluntaryo ito.

Magugunitang Agosto 2021 kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) sina Espinosa, Adorco at ibang indibidwal dahil sa iligal drug transactions sa Eastern Visayas.



Noong Disyembre 2021, nabasura ang isa sa mga kasong iligal na droga ni Espinosa.

Taon 2022 nang binawi ni Espinosa ang paratang nito kay dating Senador Leila de Lima, sinabing tinakot lamang siya ng pulisya para idiin si De Lima na sangkot ito sa transaksyon ng illegal drugs sa National Bilibid Prison.

Nag-ugat ang kaso matapos umanong magkasundo sina Espinosa, Adorco, Peter Go Lim at Ruel Malindangan sa pamamagitan ng paggamit ng electronic devices upang magbenta ng 50 kilos ng droga sa isang mall sa Barangay Palanan, Makati noong Hunyo 7, 2015.

Si Espinosa ay anak ng mayor ng Albuera, Leyte na si Reynaldo na inakusahan ding “drug lord”, dinakip at pinatay sa loob ng kulungan ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Region 8 na pinamumunuan noon ni Colonel Marvin Marcos at ng dating Albuera Police chief Colonel Jovie Espinedo.