Advertisers
PINAGPAPALIWANAG ng Department of Trade and Industry (DTI) ang dalawang malalaking online platform na Lazada at Shopee dahil sa umano’y mali at mapanlinlang na mga produktong ibinebenta sa online.
Ito ay sa gitna na rin ng kaliwa’t kanang reklamo na umabot sa tanggapan.
Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual, kabilang sa mga natatanggap nilang reklamo ay ang umano’y paglipana ng mga scammer na nag-aalok ng mga mapanlinlang at hindi patas na presyo.
Maliban dito, hindi rin umano tugma ang mga ibinebentang produkto sa mga ipinapakita sa kanilang online platforms.
Ang mga nasabing reklamo aniya ay nakakasira sa kredibilidad ng e-commerce sa bansa.
Pahayag ni Pascual, mayroon lamang 72Hrs ang dalawang nasabing online shopping app upang ibigay ang kanilang kasagutan.