Advertisers

Advertisers

GOBYERNO AALUKIN NG ‘WITNESS PROTECTION’ ANG PAMILYA NG ‘GUNMAN’ SA BUNDOQUIN MURDER

0 348

Advertisers

NAKAHANDA mamagitan ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa Department of Justice na maipasok ang pamilya ng gunman sa pagpatay sa brodkaster sa Calapan City, Oriental Mindoro na si Cresenciano ‘Cris’ Aldovino Bundoquin sa Witness Protection Program (WPP) ng gobyerno kung ito’y makatutulong para makumbinsi ito na sumuko.

“If securing the family of identified gunman, Isabelo Lopez Bautista, can help induce him to surrender and bare everything he knows, the government is willing to take this route,” sabi ni PTFoMS executive director Paul M. Gutierrez matapos makusap si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes, June 8, 2023.

Si Bautista, 45 anyos, residente ng Bansud, ay positibong kinilala na siyang gunman ng ‘SITG Bundoquin’ na binuo ng Philippine National Police para tumutok sa kaso.



Sinabi ng pulisya na dalawang testigo ang nagbigay ng kanilang sinumpaang salsaysay, kinilala si Bautista na ito ang gunman.

Ang kasong murder at attempted murder na isinampa laban kay Bautista ng SITG ay naka-pending sa Calapan Prosecutor’s Office simula June 5, 2023 para sa ‘evaluation’ bago iakyat sa korte, ayon kay SITG Bundoquin ground commander at Oriental Mindoro Police director, Colonel Samuel Delorino.

Radio blocktimer ng local Kalahi News FM, si Bundoquin, 50, ay binaril-patay ng riding in tandem 4:20 ng umaga sa harap ng kanyang inuupahang tindahan sa Bgy. Sta. Isabel, Calapan City noong May 31.

Ang gunman ay nakilalang si Bautista, habang ang kasama ay nakilalang si Narciso Ignacio Guntan mula sa bayan ng Roxas na namatay nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa bakal na road barrier matapos silang habulin at bundulin ng kotse ng anak ni Bonduquin.

Ayon sa impormasyon, sina Bautista at Guntan ay kapwa nagtatrabaho sa “peryahan”, ang prente ng mga iligal na sugal, sa Mindordo; at si Bautista ay nagtatrabaho rin bilang driver at iba pang gawain sa isang maimpluwensiyang tao sa probinsiya.



“But if Bautista voluntarily surrenders to PTFoMS, the amount would go to his family,” sabi ni Gutierrez, idinagdag na si Secretary Remulla ay “willing” na magdagdag ng “substantial amount” kapag si Bautista ay sumuko sa task force.

“For the moment, Bautista is the key personality in unmasking a possible conspiracy by some influential quarters in Mindoro to eliminate Bundoquin. His safety and that of his family is thus of paramount concern to the government,” ani Gutierrez.