Advertisers

Advertisers

Korte Suprema dinenay muling bubuksan ang Taguig-Makati land dispute

0 173

Advertisers

NAGREAK ang netizens sa isang viral post sa Facebook na tila sumusuway sa desisyon ng Supreme Court (SC) na nagdeklara sa Makati City’s EMBOs o Enlisted Men’s Barrios bilang nasa ilalim ng pamamahala ng Lungsod ng Taguig.

Ito ay tumutukoy sa desisyon ng SC noong April 3, 2023 na nagpatibay sa desisyon ng mataas na Hukuman noong 2021 na nagdeklara sa 729-ektaryang Bonifacio Global City at mga EMBO bilang pag-aari ng Taguig.

Pero sa post na kumalat sa mga platform nitong Huwebes, Hunyo 8, nakipagpulong daw si Makati Mayor Abby Binay sa Pangulo, First lady, at Chief Justice upang muling buksan ang agawan sa teritoryo sa pagitan ng dalawang lokal na pamahalaan.



Sinalubong ito ng galit ng netizens na binaha ang post ng mga komento.

“Final decision na ‘yan, matuto kayong tanggapin ang katotohanan. Respeto na lang,” sabi ng isang netizen.

“‘Wag tayong magpakalat ng fake news. Supreme Court na ang finale, kaya wala nang magagawa sa kahit kanino lumapit na politiko. Respect the court’s decision. Tapos na ang laban!” komento ng isa pang netizen.

Kinukwestyon naman ng iba ang layunin ng Facebook post.

“Ano kayang nais ng mga ito at gigil na gigil sa pagbawi? Respetuhin nalang ang decision,” sabi ng isang user.



“So, they are above the law? Need pang kumapit sa presidente na as if makikialam sa ruling ng SC. Respect the law!” reaksyon naman ng isang netizen.

Reak ng isa: “Huwag nyo na lang siguro paniwalaan iyang post na iyan. Kasi sila lang din naman ang mapapahiya dahil nasa Supreme Court na ang desisyon, wala sa kanila.”

Nakunan sa isang screenshot ang viral post na ito mula sa private Facebook page na Rizal Pembo Comembo EastWest Rembo Online Shop v4 na may hashtag na #proudMakatizen.
Ni-repost ito ng page na Pasaway na kasalukuyang mayroong 6,000 shares.

Samantala, sa isang video na ipinost sa Twitter, sinabi ni Makati Mayor Abby Binay na nakatanggap ang Makati City Legal Office ng dokumento na nagtatakda ng oral argument tungkol sa land dispute.

“As far as the document that we received, they actually set it for hearing. Ibig sabihin hindi pa ito final. Kasi sa Omnibus Motion namin, wala pang aksyon so as far the city is concerned there is still pending motion,” wika ni Binay.

Gayunpaman, hindi niya maibigay ang eksaktong petsa ng dapat na pagdinig. “Hindi namin alam kasi ‘di ba naka-break ang Supreme Court. Sana sa buwang ito ay makakuha tayo ng ilang ideya,” sabi ng mayor.

Pero ang Lungsod ng Taguig ay nagsabing wala itong natatanggap na anumang dokumento.

Itinanggi rin agad ni Supreme Court Spokesman Atty. Brian Keith Hosaka ang pahayag ni Mayor Binay.

“I have no information about this. The SC-PIO (Public Information Office) will immediately post any notices on the SC website and official Twitter account should we receive any,” sabi ni Hosaka.