Advertisers
PATAY ang mag-live-in partner nang pagnakawan ang mga ito habang natutulog sa Barangay Punta, Aparri, Cagayan.
Kinilala ang mga biktima na sina Derlina Bambalan, 47 anyos; at Ramon Ramones, 67.
Ayon sa anak ni Ramones na nakatira malapit lang din sa bahay nito, 7:00 ng umaga nang datnan niya ang kanyang ama na naghihingalo pa habang wala nang buhay si Derlin.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na hinampas ng matigas na bagay ang ulo ng mga biktima.
Pagnanakaw ang isa sa mga tinitignang motibo sa pagpatay matapos kumpirmahin ng anak ni Ramones na may mga nawawalang gamit sa loob ng bahay ng mga magulang. (REY VELASCO)