Advertisers

Advertisers

28 palpak na empleyado ng BIR sinibak

0 138

Advertisers

INANUNSYO ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Martes, Hunyo 13, na nasa kabuuang 28 palpak o tiwaling empleyado nila ang tinanggal at sinuspinde sa serbisyo mula ng nakaraang taon.

Ayon sa BIR, ilan sa dahilan ng pagkakatanggal o pagkakasuspinde sa kanila ay grave misconduct, pagsisinungaling, madalas na pagliban, pamemeke ng dokumento, pagpapabaya sa trabaho, hindi pagsunod sa nakatataas at absence without official leave.

Sa nasabing bilang, 26 sa mga ito ay tinanggal habang dalawa ang sinuspinde.



“Keep in mind that you have no business working for the BIR if you fail to meet our standards for integrity and professionalism,” ayon kay BIR Commissioner Romeo “Jun” Lumagui, Jr.

Target din ng ahensya na magkaroon ng regular na imbestigasyon.