Advertisers

Advertisers

Ilang residente pabor mailipat sa Taguig, nanawagang irespeto ang desisyon ng Korte Suprema…MAKATIZENS HATI!

0 144

Advertisers

PABOR ang ilang residente ng Makati City na mailipat ang kanilang address at maging Taguigeño bilang pagrespeto sa pinal na desisyon ng Korte Suprema na nagtatakda na ang lokal na pamahalaan ang may territorial jurisdiction sa 729 hektaryang Fort Bonifacio Military Reservation

kabilang ang Bonifacio Global City (BGC) at ang “embo barangays”.

Sa ‘Boses ng Kalye Serye’ na isinagawa ng Rappler.com ay nagtanong ito ng ilang Makatizen (Makati residents) kung ano ang sentimyento nila na ililipat na ang kanilang address kasunod ng naging kautusan ng Korte Suprema.



Ilan sa mga may edad ang nakapanayam ng Rappler Reporter na si Ryan Macasero na sina Josefina Pasual at Arlene Olivia ay kapwa nagsabi na ipinanganak na sila sa Makati at doon din mamatay, tinuran din nito ang nakukuhang benepisyo ng seniors sa lungsod.

Para sa nagtitinda na si Michael Paredes, pabor ang kanyang pamilya na mailipat ng Taguig.

“Ok lang sa amin para mabago yung mga political ng iba. Lalo sa amin na nagnenegosyo mahirap lalo na kung kumukuha ng permit,” pahayag ni Paredes.

Sa tanong ni Macasero na magandang benepisyo na nakukuha sa Makati ang dahilan ng iba kaya ayaw lumipat ng Taguig, inamin ni Paredes na hindi naman lahat ay nakakatanggap.

“Hindi naman, hindi naman, sila na malalapit sa sandok na tinatawag natatakot sila kasi mawawalan na sila lalo yung nakadikit sa administrasyon ng Makati pero sa amin na ordinary citizen lang ay ok lang sa amin, pabor kami dun para mabago ang administrasyon ng barangay namin. Nakikinabang lang ay yung pulitiko lang din na nakakasakop sa amin, paano kami na tindero lang ‘di naman kami nakatatanggap ng ganun benepisyo. Gaya ng yellow card kailangan botante ka bago ka mabigyan ng card, utos naman yan na kapag health ay dapat para sa lahat, pero dito pinipili,” pahayag ni Paredes.



Gayundin ang pahayag ng kapwa negosyante na si Alicia Esguerra. Aniya, 1982 pa siya residente ng Makati, malungkot na mailipat sila ng Taguig dahil sa nakasanayan na. Pero nagdesisyon na ang Korte Suprema, kaya dapat sundin ng lahat.

“Pagdating sa benefits na nakukuha namin sa Makati ay naniniwala ako na pagdating ng araw ay makukuha din namin sa Taguig, ang request lang namin sa mayor ng Taguig ay kung ano ang ginagawa ng Makati ay gawin nila,” paliwanag ni Esguerra.

Para sa driver na si Margarito Solis, mainam din na masubukan ang pamamahala ng Taguig kaya pabor ito na maging Taguigeño.

Naguguluhan at ninenerbyos naman si Marian Turla dahil sa pagbabago gaya nalang sa ID, address at benepisyo.

Isa sa alalahanin ng estudyante na si Clarenz Acosta ng University of Makati sa paglilipat nila sa Taguig ay ang mga benepisyong natatanggap, una na dito ang yellow card.

“Yung mama ko kasi may frequent check up sa OSMAK, hindi namin alam kung may trusted medical institution din sa Taguig,” ani Acosta kungsaan malaking bagay din aniya ang nakukuhang pamaskong handog at school supplies sa Makati na hindi nila alam kung mayroon din sa lilipatang siyudad.

Noong Abril 3, inilabas ng SC ang ‘final and executory’ decision nito sa 30 taon nang boundary dispute sa pagitan ng dalawang LGUs, mas binigyang bigat ng hukuman ang historical, documentary at testimonial evidences na iprinisinta ng Taguig.

Nagkaroon na ng ‘Entry of Judgment’ sa kaso at base sa court rules, ang desisyon ng kaso na naipasok na sa SC-Book of Entries of Judgements ay hindi na maaaring iapela o irebisa.