Advertisers
ARESTADO ang isang drug personality nang makuhanan ng P 6.8 million halaga ng shabu sa buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Las Pinas City nitong Sabado ng hapon.
Kinilala ang naaresto na si Bryan Castillo Hong, 39 anyos, ng Unit 2B Blk 10 Lot 8, Catmon St. corner Rambutan St, Doña Josefa Village, Barangay Almanzan Uno, Las Piñas City.
Nasamsam rin ng mga operatiba kay Hong ang 800 grams ng shabu na nakalagay sa aluminun baking pan, buy bust money, cellular phone, 1 weighing scale, 2 improvised tooter at scissor. (Mark Obleada)