Advertisers
IGINIIT ni Sta. Cruz RTC Branch 176 Presiding Judge Swerte Ofrecio na hindi siya nanghimasok sa kaso ng nobyong nahulihan ng hindi lisensiyadong baril sa checkpoint sa Calamba City, Laguna.
Taliwas ito sa paratang ni Laguna Police Provincial Director, Colonel Randy Glenn Silvio, at sa unang napaulat sa media na nanghimasok ito para makalaya ang nobyo.
Kinilala ang inarestong nobyo na si Arnold Mayo ng Tondo, Maynila.
Sa Facebook post, sinabi ni Ofrecio na trabaho lang niya bilang abogado at huwes ang ipagtanggol ang karapatan ng isang inaakusahan.
Subalit’ hindi kumbinsido si Silvio, aniya, kita sa mga ikinilos ng Judge sa nakunang video nang sumugod ito sa Calamba Police Station.
Ayon pa kay Sivio, ang papapakita ng dating pulis ng mga fake na ID at pagkakakumpiska dito ng 2 baril ay may kaso na ito at dapat nakulong kung hindi nakialam ang judge hanggang sa pag-i-inquest.
Giit ni Silvio, itutuloy nila ang pagsasampa ng kasong ‘Obstruction of Justice’ laban sa lady judge.