Advertisers

Advertisers

Tuloy na ang 1 United Philippines baseball sa Rizal Memorial… KBA STARS VS DE LA SALLE SA OPENING SALVO

0 175

Advertisers

MATAPOS maipagpaliban ang malalaking laban noong nakaraang weekend ,balik -aksiyon na sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Malate,Maynila.

Tripleheader ang maghahatawan sa diamond na inihahandog ng pinakamalaking torneo ng baseball ngayong 2023 sa pag-sambulat ng 1 United Philippines baseball tournament.

Magkakaharap agad ang mga bigating koponang KBA Stars ni baseball patron Keiji Katayama kontra sa powerhouse DLSU batters ng UAAP sa buwenamanong bakbakan ngayong umaga, ( 7:15 am) curtainraiser.



Binubuo ng KBA( Katayama Baseball Academy) Stars nina nationals Raymond Nerosa, Kyle Villafania, Jr., Ignacio Escano, Mark Beronilla katuwang sina Alvin Herrera, Clairon Santos, Boo Barandiaran, Danric Cartativo, Carl Miñana,Luis Miñana, Dino Almonte,Anton Rosas, Marion Gonzales, Allan Jay Dimal,Javi Macasaet, Gerard Riparip, Sean Jeremy Salaysay, Gino Tantuico, Alwen NicoleDiego LozanoJason Salamida, Marco Mallari, actor, public servant at sportsman Gary Ejercito at player/ coach/ manager Keiji Katayama.

Coaching staff sina Joseph Orillana, Joannard Pareja at Oscar Marcelino.

Kasunod na maghahatawan ang Adamson University kontra IPPC at sa ikatlong salang ang bakbakang UST versus NU.

“ We are all excited to get into action at the diamond after a long lull due to pandemic .Now we’re back.Let’s all swing ,hit,run and homebase at the RMBS diamond.Let’s play ball!,” pahayag ni Katayama.

Ang torneo ay nahati sa dalawang grupo. Nasa bracket A ang KBA Stars, DLSU, NU, UST, THUNDERZ AT PAF habang nasa bracket B ang ADU, IPPC, ADMU, Tanauan, UP-A at UP-B. (Danny Simon)