Advertisers

Advertisers

6 nasawi sa family outing sa Iloilo at Zambales

0 129

Advertisers

NASAWI sa pagkalunod ang anim katao habang anim pa ang nilalapatan ng lunas sa pagamutan nang mauwi sa trahedya ang family outing sa magkahiwalay na insidente sa Iloilo at Zambales.



Sa ulat ng Guimbal Municipal Police Station sa Iloilo, walong magkakaanak ang nilamon ng tubig at dalawa sa mga ito ang nasawi nang malunod Miyerkoles ng umaga sa nasabing bayan. Idineklarang dead-on-arrival sa Pedro G. Trono Memorial Hospital sa Guimbal ang mga biktima na nasa edad 15 at 16.

Ayon kay Captain Felice Dioso, hepe ng pulisya, 9:30 ng umaga sa Tinagong Dagat Beach Resort sa Brgy. Baras, Guimbal, habang naliligo ang pamilya nang magkayayaan sila sa malalim na parte ng dagat.

Dahil sa malakas na alon, nilamon ng dagat ang mga biktima. Nagtulung-tulong naman ang mga lifeguard ng resort at emergency responders para sila ay sagipin.

Sa search and rescue operations, nasagip ang anim na indibiduwal pero idineklarang dead-on-arrival (DOA) ang dalawang kasamahang menor-de-edad.

Nauna rito, tinangay rin ng malakas na current ng tubig-dagat habang naliligo ang apat na katao sa isang resort sa Brgy. Lipay Dingin, Iba, Zambales.

Idineklarang patay ang mga biktima na sina Robert Tiongson, 54 anyos, ng Iba; Geraldine Jumao, 54; Miguel Jacutina, 25; at Benito Salinas, 54; pawang taga-Pandacan, Manila dahil sa pagkalunod.

Ayon sa kasamahan na si Eliza Tiongson, 3:00 ng hapon ng Martes habang nagtatampisaw ang apat nang lumaki bigla ang mga alon at lumakas ang current sa dagat, sanhi upang tangayin sila sa malayong bahagi.