Advertisers
ARESTADO ang “drug queen” sa Mindanao sa search warrant operation sa loob ng kanyang bahay sa Misamis Oriental nitong Lunes, Hulyo 3
Kinilala ang nadakip na si Zenaida Pangunot, negosyanteng lumad, tubong Marawi City, Lanao del Sur, pero kasalukuyang nakatira sa Upper Carmen, Cagayan de Oro City.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Misamis Oriental Provincial Director, Expedito Cardona, nakuhanan si Pangunot ng P136 milyong halaga ng shabu at drug paraphernalias.
Aniya, nakatanggap sila ng report hinggil sa iligal na aktibidad ni Pangunot at nanggagaling pa umano sa Maynila ang suplay nitong ilegal na droga na inilalako sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.