Advertisers

Advertisers

EXPANDED DEV’T NG MALAMPAYA, IBINIDA NI MARCOS

0 118

Advertisers

UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas magiging stable at mura ang kuryente kasunod ng expanded development ng Malampaya gas field at paghahalo ng imported liquified natural gas (LNG).

Ito’y matapos makipagpulong si PBBM sa mga kinatawan ng Prime Energy Resources Development B.V., (Prime Energy) sa Malacañang kung saan kabilang sa mga natalakay ang exploration at development ng indigenous gas prospects, produksiyon ng LNG, pagpapalawak ng gas market at iba pa.

Ayon sa Prime Energy, aarangkada na sa huling quarter ng susunod na taon ang drilling o paghuhukay nila ng dalawang deep wells habang ang additional production naman mula sa Malampaya field ay magsisimula sa unang bahagi ng taong 2026.



Nilinaw naman ng Prime na ang import LNG ang pupuno sakaling kapusin ang Malampaya gas.

Samantala, welcome development din para kay Pangulong Marcos ang pagtatakda ng drilling schedule ng kompanya na nakapaloob sa Malampaya Service Contract 38.

Kumpiyansa ang Presidente na ang mga hakbang na ito ang magsisilbing susi sa sinasabing problema sa suplay ng enerhiya sa bansa. (Gilbert Perdez)