Advertisers

Advertisers

Patrol boat ng BFAR lumubog

0 92

Advertisers

LUMUBOG ang patrol boat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang nakadaong ito sa pantalan ng Iloilo River nitong Martes.

Ayon kay BFAR-6 regional director Remia Aparri, naiahon ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang rescue group ang kanilang patrol boat 8:00 ng umaga.

Nabili ng BFAR ang patrol boat ng P1.2 milyon noong 2015 at sumasailalim aniya ito sa maintenance check up kada buwan.



Dinala ang patrol boat sa Potatan, Iloilo para kumpunihin.

Iniimbestigahan na ng PCG ang dahilan ng paglubog ng bangka.(Jocelyn Domenden)