Advertisers
WANTED ngayon sa pulisya ang isang seaman na bumaril sa kanyang bayaw sa Tiaong, Martes ng umaga.
Kinilala ang salarin na si Enrico Perez, taga-Sitio Centro, Tiaong.
Binaril ni Perez si Pedro Din, 43, tricycle driver, habang kumakain ito sa Sitio Panghulan, Barangay Bula. Dead on the spot ang biktima sanhi ng tama ng bala sa katawan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, personal na alitan ang motibo sa pamamaslang.
Sa pahayag ng mga kaanak ni Perez, nakararanas umano ito ng depresyon.