Advertisers

Advertisers

Ammonia tumagas sa planta ng yelo sa Navotas

0 108

Advertisers

TUMAGAS ang ammonia mula sa isang planta ng yelo sa Barangay NBBS Kaunlaran, Navotas nitong Miyerkules ng madaling araw.

Sa paunang imbestigasyon ni Fire Superintendent Jude Delos Reyes, fire marshal ng Navotas Bureau of Fire Protection, nanggaling ang tagas sa compression room ng planta, pero inaalam pa ang sanhi nito.

Agad naisara ang compressor discharge valve, 12:10 ng madaling araw, habang ligtas ang nasa 12 empleyado at tatlo nilang kaanak sa loob.



“Bigla kaming pinalabas ng BFP kasi nangamoy na sa labas. ‘Yung iba nagkakarga ng yelo sa truck tapos ‘yung iba tulog kasi palitan sila ng trabaho d’yan. ‘Yung iba ginising pinalabas,” kwento ng isa sa mga empleyado.

Rumesponde rin sa lugar ang mga tauhan ng Navotas Disaster Risk Reduction and Management Office, para isara ang ilang bahagi ng North Bay Boulevard habang naglilinis ang taga-BFP sa labas. Umabot kasi ang nakakasulasok na amoy ng ammonia hanggang sa labas ng planta.

Ito na ang pangalawang insidente ng ammonia leak sa lungsod ngayong taon. Noong nakaraang buwan may ammonia leak din sa isang planta.(Beth Samson)