Advertisers
ILULUNSAD na ng Department of Education ang bagong Kinder to Grade 10 (K-10) curriculum sa mga susunod na linggo.
Ayon kay DepEd spokesperson Undersecretary Michael Poa, ang implementasyon ng decongested K-10 curriculum ay sisimulan sa school year 2024-2025.
Ipinaliwanag ng opisyal na base sa pag-aaral sa K-10, nakita na masyadong congested ang kasalukuyang curriculum na nangangahulugan na napakaraming kailangang matutunan ng mga mag-aaral gayundin maraming dapat ituro ng mga guro sa loob ng isang school year dahilan kaya’t napakahirap aniya na makabisado ang naturang mga asignatura.
Kaya’t para mapag-ibayo ang kalidad ng basic education sa ating bansa, sinabi ni Usec. Poa na sa bagong curriculum bibigyang pokus na lamang ang mga asignatura gaya ng math, science, english, reading at values formation.
Pagdating naman sa K-12, ayon sa DepEd official, nagpapatuloy pa rin ang pag-review dito.